MM makararanas ng malalakas na pag-ulan sa dakong hapon

PINAALALAHAN ng Philippine Atmospheric, Geophysical and AstronomicalServices Administration (PAGASA) ang publiko na magdala ng pananggalang dahil sa inaasahang pagbuhos ng malalakas na pag-ulan sa dakong hapon o gabi ang kalakhang Maynila at kalapit na lalawigan.

Ayon sa PAGASA, humina na ang hanging habagat sa bahagi ng Luzon na siyang nagdudulot ng maalinsangang panahon sa buong maghapon.

Ngunit taliwas naman ang sitwasyon sa bahagi ng Mindanao na nakaapekto rooon ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na siyang magdudulot naman ng mas madalas na pag-uulan.

Ang agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro mula 24 hanggang 32 antas ng sentigrado.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply