MMDA lumambot sa pagpapatupad ng yellow lane

LUMAMBOT ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pagpapatupad ng Yellow Lane Policy sa kahabaan ng Edsa.

Nagpalabas ng Memorandum Circular ang MMDA na pinahihintulutan na nitong muling dumaan sa mga flyover ng Edsa Northbound ang city buses.

Gayunman, kailangan pa rin ng city buses na dumaan lamang sa yellow lane sa sandaling nakababa na sila ng flyover at hindi raragasa sa kalsada.

Paalala naman ng MMDA, na bagama’t pinayagan na ang mga bus na dumaan sa flyover ay sinabi na nananatiling bawal pa ring dumaan sa mga underpass sa kahabaan ng Edsa.

Batay sa pagtatala ng MMDA, tinatayang aabot sa kauuang 101 pribadong motorista ang nahuhuling gumagamit ng yellow lane na inilaan lamang para sa public utility vehicles.

Mula noong huling linggo ng Hunyo umaabot na sa 2,000 violations sa yellow lane policy ang naitala, karamihan dito ay nahuli sa Edsa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply