MMDA may libreng sakay sa mga istranded na pasahero

NAGKALOOB ng libreng sakay ang Metro Manila Development Authority ngayong araw bilang ayuda sa mga pasaherong ma-stranded dahil sa baha at patuloy na pag-ulan.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, inatasan niya ang mga bus ng ahensya na magsagawa ng libreng sakay ngayong araw dahil limitado ang lumabas na mga pampublikong transport bus dahil sa sama ng panahon.

Magtutungo ang mga bus sa mga lugar na may kataasan ang tubig partikular sa mga bahagi ng Marikina, Malabon, Valenzuela at kahabaan ng Edsa na maraming pasahero ang naiulat na stranded dahil sa nabanggit na kakulangan ng sasakyan.

Patuloy na mino-monitor ng MMDA ang mga lugar na kinakailangan ng mga transport upang ipadala ang mga bus ng ahensya sa mas kritikal na lugar. Sa kabila ng sama ng panahon, nakababa pa rin ang number coding sa Metro Manila kayat inasahan ng ahensya ang magiging kakulangan sa kalsada ng mga pampasaherong sasakyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply