Mock elections isinagawa sa Kamara

ISANG mock elections ang isinagawa sa Kamara kaninang umaga upang masubukan ang Precinct Count Optical Scan (PCOS) machine.

Ani Cavite Rep. Elpidio Barzaga, chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na kailangan nilang gawin ito dahil na rin sa kinukuwestyon ng ilang grupo ang veracity at accuracy ng PCOS machine.

Sinabi ni Marlon Garcia ng Smartmatic, na nais din nilang patunayan na 99.95% hanggang 100% ang accuracy ng kanilang makina.

Idinagdag pa ni Garcia, na noong nakaraang eleksyon ay 100% ang accuracy ng PCOS machines na ginamit bagamat hindi siyento por siyentong eksakto ang resulta ng bilang dito ng boto kumpara sa manual counting.

Nilinaw pa nito na ito ay dahil sa iba ang appreciation PCOS sa shading ng mga botante sa balota kumpara sa appreciation dito ng mga nagsagawa ng manual count.

Sa ginanap na mock elections sa Kamara, ginamit ang balotang kasing laki ng ginamit noong nakaraang eleksiyon at labing isang posisyon ang ginamit na sampol mula sa Presidente hanggang partylist representatives.

Samantala, 1,000 ang nakilahok para bomoto dahil kailangan umano ng ganitong kalaking bilang para masubok ang veracity at accuracy ng PCOS machines.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply