Monsignor Baltazar, yumao na

SUMAKABILANG-buhay na si Retired Dominican Monsignor Mario de Leon Baltazar, na siyang prelate emeritus ng Batanes-Babuyanes sa edad na 85.

Ayon sa Dominican Province of the Philippines, si Baltazar ay pumanaw dahil sa cardiac arrest sa University of Santo Tomas (UST) hospital nitong Lunes.

Ang labi ni Baltazar ay kasalukuyang nakalagak sa Santo Domingo Church sa Quezon City at nakatakdang ilagak sa huling hantungan sa Santuario del Santo Cristo sa San Juan, matapos ang isang funeral mass sa Santo Domingo Church bukas, Biyernes, Hulyo 13, ganap na 2:00 ng hapon.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), si Baltazar ay nakatanggap ng Dominican Habit noong Setyembre 14, 1944, at naordinahan bilang pari noong Marso 8, 1952 sa Rosary Hill, Hong Kong.

Matapos ang ilang taon ng pagseserbisyo bilang pari, itinalaga siya ni Pope Paul VI bilang prelate ng Batanes-Babuyanes noong Nobyembre 18, 1966 kung saan siya nanilbihan ng 28 taon hanggang sa tuluyang magbitiw sa puwesto noong taong 1995.

Isa sa mga legasiya ni Baltazar ay ang kaniyang librong “Treasures Old and New,” isang three-volume collection ng Sunday at Weekday homilies, na naging dahilan rin upang makatanggap siya Catholic Authors Award noong 2002 mula sa Asian Catholic Publication Inc., at ECBA Award noong 2004 mula sa CBCP-Episcopal Commission on the Biblical Apostolate.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply