Motor kinaladkad ng truck sa Aklan, 2 patay

DALAWA ang patay at isa ang malubhang nasugatan matapos kaladkarin ng truck ang isang motorsiklo sa Brgy. Unidos, Nabas, Aklan.

Sa police report, kinilala ni SPO1 Nick Cogolio ng Nabas PNP ang mga biktima na sina Certain Zenal, 33, driver ng motorsiklo at residente ng Brgy. Balabag sa isla ng Boracay, at Jafar Repors, 18, na residente ng Brgy. New Buswang, Kalibo, Aklan.

Kasalukuyan namang inoobserbahan kung makakaligtas ang isa pang biktima na si Jamil Lucman, 22, na taga-Brgy. Balabag sa Boracay at nananatili sa intensive care unit (ICU) ng Aklan Provincial Hospital.

Kinilala naman ang driver ng dump truck na si Junito Imance, 35, residente ng Brgy. Calizo, Balete, Aklan.

Sa impormasyon, binabagtas ng motorsiklo ang national highway sa Brgy. Unidos, Nabas nang masakop nila ang linya para sa paparating na truck.

Bumangga ang motorsiklo na lulan ang tatlong biktima sa dump truck na may kargang buhangin.

Sa lakas ng pagkakasalpok ay nakaladkad ang motorsiklo.

Agad na dinala sa Aklan Baptist Hospital sa Brgy. Caticlan, Malay, Aklan ang mga biktima, ngunit dead on arrival ang nagngangalang Zenal, habang inilipat sa Aklan Provincial Hospital ang dalawang iba pa na namatay habang ginagamot si Repors.

Papunta sana ng bayan ng Kalibo ang mga biktima upang dumalo sa seminar sa kanilang relihiyong Muslim.

Kakasuhan naman ang driver ng truck ng reckless imprudence resulting to double homicide, serious physical injury at damage to property.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply