Riders: Motorcycle Helmet Law itigil

HINILING ng mga motor riders na itigil na ang pagpapatupad ng Motorcycle Helmet Law dahil sa malaking abala ang kumuha ng ICC stickers.

Dahil sa abalang dulot umano ng pagkuha ng import commodity clearance (ICC), nais ipatigil ng Motorcycle Rights Organization ang RA 1054 o ang Motorcycle Helmet Law.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), hindi rin nila inaasahan ang dami ng bilang ng mga rider na kukuha ng naturang stickers.

Sinabi ng DTI na nangangahulugan lamang ito na maramaming nabentang helmet na hindi pumasa sa pamantayan ng kanilang ahensya.

Samantala, ayon naman naman sa Land Transportation Office na siyang nanghuhuli sa mga walang ICC stickers, ‘warning’ lamang ang tangi nilang maibibigay hangga’t hindi pa lubusang naipakakalat ang impormasyon hinggil dito.

Apat na lugar ang pinagdarausan ng DTI program, sa Pasay, Makati, Mandaluyong at Valenzuela simula pa noong July 23 na matatapos sa July 31, 2012 nang walang sinisingil na halaga sa mga nagmamay-ari ng helmet.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply