Motor sinalpok ng dyip: Parak tumilapon

NAKARATAY ngayon ang isang bagitong pulis makaraang salpukin ng pampasaherong dyip ang maninamaneho nitong motorsiklo sa Quezon City.

Nilalapatan ng lunas sa Crame Hospital ang biktimang si PO1 Jay Contado dahil sa tinamong mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos tumilapon sa kanyang motorsiklo habang binabaybay ang eastbound lane ng Commonwealth Avenue.

Base sa pahayag ng drayber ng dyip na si Jerson Dapar, biglang kumanan ang motorsiklo at inokupa nito ang kanyang lane kaya nasalpok niya ang biktima.

Wasak ang motorsiklo ng pulis habang bahagya ring nasira ang bumper ng jeep.

Nasa kustodiya ngayon ng Traffic Sector 5 si Dapar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply