Motor vs kotse: Driver sugatan sa QC

NAGTAMO ng mga sugat sa katawan ang isang motorcycle driver makaraang sumalpok ito sa isang kotse sa Araneta Avenue, Quezon City kaninang madaling araw.

Base sa ulat ng pulisya, nakainom at gumagamit ng cellphone habang nagmamaneho ang biktimang si Adrian Mapalo, may-ari ng motorsiklo (TD 6343) kung kaya sumalpok sa kotse (USY 289) na minamaneho naman ni Oprin Masangkay.

Nabatid na hindi napansin ng biktima ang kasalubong na sasakyan dahil abala ito sa paggamit ng kanyang cellphone.

Kasalukuyan ng nasa Ospital si Mapalo ang biktima habang sasampahan naman ng kaukulang kaso si Masangkay.

Sa kabilang dako, isang fetus na nakasilid pa sa isang bag ang natagpuan sa tapat ng Angelicum College, malapit lamang sa Sto. Domingo Church, sa Quezon City kaninang umaga.

Nabatid na napagkamalang isang basura ng mga residente sa naturang lugar ang pulang bag ngunit nang buksan ito ay tumambad sa kanila ang isang fetus na nakabalot pa sa plastik.

Ayon sa mga residente, sariwang-sariwa pa at may dugo ang inabandonang fetus.

Inaalam ng awtoridad kung sino ang responsable sa naturang krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply