Motorsiklo at trak nagbanggaan: 2 todas

BINAWIAN ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang dalawa katao kasunod ng banggaan ng isang motorsiklo at Izusu elf truck sa barangay Nagpan, bayan ng Malungon, Sarangani province, sa ulat ng pulisya ngayon.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya alas 4:10 ng kahapon, sakay ng motorsiklo na may plalang 1923 MJ ang dalawang biktima na nakilalang sina Renante Ayao, 33-anyos, at isang Grace Ayao, 19-anyos at mga residente ng sitio Kaputian San Roque.

Pagdating sa isang palikong lugar sa Barangay Nagpan nasalubong nito ang isang elf truck na minamaneho ng isang Pepe Arogante, 36-anyos ng Santa Cruz Davao Del Sur, dahil sa lakas ng pagkakabangga ay nahulog pa sa bangin ang motorsiklo na sinasakyan ng dalawang biktima.

Mabilis na sumaklolo ang mga nakakita sa dalawa at dinala sa Malungon Municipal Hospital subalit namatay din ang dalawa habang ginagamot.

Sumuko naman ang driver ng trak sa awtoridad na posibleng maharap sa kasong reckless driving resulting to double homicide.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply