Motorsiklo sumemplang, 2 sugatan

KAPWA humambalos sa kalsada ang dalawang magkaibigan na lulan sa motorsiklo nang atakihin ng epilepsy ang nagmamaneho nito sa La Union kaninang umaga.

Sa kabutihang palad, nagtamo lamang ng mga gasgas at sugat sa kanilang ulo at bahagi ng mga katawan ang mga biktimang sina Aldrin Opeña, 19-anyos at si Severino Uabi, kapwa residente ng Barangay Camiling, bayan ng Balaonan sa lalawigan at ngayon ay nagpapagaling na lamang sa pagamutan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 7:30 ng umaga sa national highway ng Barangay Maria Christina, sa bayan ng Bangar, La Union.

Ayon sa Bangar Municipal Police Station, bago ang aksidente ay lulan sa motorsiklo sina Opeña at Uabi at papunta sa bahay ng isang kaibigan sa nabanggit na barangay.

Ayon kay Uabi, pagsapit nila sa naturang lugar ay bigla na lamang nanigas ang katawan ni Opeña at nawalan ng kontrol sa pagmamaneho kaya sumemplang ang motorsiklo at humambalos sila sa kalsada.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply