MTRCB, maluwag sa pagpasa sa mga indie films…bakit?

MARAMI ang nagtataka sa mga kababayan natin sa sobrang luwag diumano ng tanggapan ng MTRCB sa mga pelikulang tinatawag na Indie Film kung saan makikitang halos malalaswa ang ipinalalabas nito sa ating mga sinehan.

Nakaririndi na ang sobrang paghihigpit nila sa telebisyon na halos lahat yata ng teleserye o mga palabas na pangtelebisyon ay sobra nilang tinututukan para mapangalagaan diumano ang kapakanan ng mga bata o kabataan.

Pero bakit?

Ano ba ang pagkakaiba ng mga sinehan sa buong kamaynilaan kumpara sa telebisyon na halos pare-pareho lang namang pinanood ang mga ito ng mga tao?

Dapat nga mas nakatutok sila sa mga pelikula o sa mga sinehan dahil halos ilang buwan ding namamayagpag ang Indie Films na grabe sa kalaswaan ang nilalaman ng mga ito.

Mga kabataang lalake ang siyang makikita sa Indie Film kung saan makikita o mapanonood na kapwa nagtatalik ang lalaki sa lalaki.

Ano na ba nangyayari sa ating lipunan? Paging Chairwoman Mary Grace Poe Llamanzares. Ano ba ang maaari nating gawin para naman totally mapangalagaan ang kapakanan ng ating movie industy?

Sabi nga nila, wala na kasing nagpu-prodyus ng pelikula dahil sa mataas o mahal ang mga materials at maraming nagsara na movie company dahil sa diumano ay nalulugi raw sila kung kaya’t nagsipagsarahan na ang ilan.

Sa totoo, iilan na lamang ang gumagwa ng pelikula tulad ng Star Cinema, Regal Film at ang mga independent producers na hindi naman din sila makapagtuluy-tuloy dahil dumami ang producers ng Indie Film.

Short movie, dahil lahat ay nakukuha lang sa mababang presyo.

At makikita na ang mga materials na ginagamit ay halos mga lumang stock na rolyong negatibo kaya kapag napapanood na ang pelikula, maraming mantsa o malabo ang pagkakagawa nito.

Mura rin ang kabayaran sa mga artista dahil halos lahat ng casting nito ay mga kung saan lang nadampot na unibersidad o yung mga kabataang kulang sa kanilang pangangailangan.

Yun bang kumita lang ng kahit konti at makita sila sa big screen ay masaya na sila.Kunsabagay, kumikita na nga naman, nakikilala pa sila. Kaya kahit ibuyangyang ang kanilang mga katawan ay oks na ito sa kanila.

Yun bang kalilimutan na nila ang kanilang mga kahihiyan kung meron man sila.

Kung meron kasi, unang-unang dapat nilang gawin ay tumanggi dahil makikita sila ng kani-kanilang mga syota, at siyempre, kahiya-hiya para sa kanilang mga magulang at sa mga kapatid na nag-aaral pa.

Sa totoo, tanging ang tanggapan lang ng MTRCB ang siyang makasusugpo ng mga problemang ito.

Papaano nga naman makababangon ang ating movie industry kung halos panay kababuyan ang mapanonood ng ating mga kababayan?

Hindi ba naman? (Mismo! – Ed)

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply