Mujiv nagbigay ng financial assistance sa Basilan ambush victims

PERSONAL na ibinigay ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Mujiv Hataman ang kanyang tulong pinansiyal sa kanyang pagbisita sa mga biktima ng ambush sa Basilan.

Kasama sina00 Basilan Bishop Martin Jumoad at Col. Arthur Ang, una nilang pinuntahan ang mga sugatang biktima na nasa Infante Hospital sa Isabela City, Basilan at iniabot ang P20,000 ayuda.

Tumanggap naman ng P50,000 ang mga kamag-anak ng anim na biktimang namatay.

Ani Hataman, ang nasabing pinansiyal na tulong ay malaking bagay sa mga naulila ng biktima ng karahasan sa Tumahubong, Sumisip, Basilan, ikinamatay ng anim katao at ikinasugat ng 20 iba pa.

Kasunod nito, siniguro rin ni Hataman na kanilang tututukan ang insidente para mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Patuloy naman ang isinasagawang operasyon ng grupo ni Col. Ang, para tugisin ang mga responsable sa panibagong karahasan sa nasabing lalawigan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply