Mural ng impeachment trial ni Corona nakabandera sa Kamara

BINUKSAN sa South Wing ng Batasan Complex, sa mismong dadaanan ng mga panauhin sa State-of-the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino III ang isang malaking mural ng Corona impeachment.

Ang naglalakihang mga balck and white na larawan ay binubuo ng serye ng impeachment trial ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona at mga personalidad na nagkaroon ng mahalagang papel sa pagsasakatuparan nito.

Pinakamalaki ang larawan dito nina House Speaker Feliciano Belmonte, Iloilo Rep. Niel Tupas Jr. at Ilocos Norte Rep. Rodolfo Farinas.

Gaya nang inaasahan, ang salitang “palusot” na pinauso ni Farinas ay kabilang sa mga nakasulat sa ibaba ng kanyang larawan.

Bukod sa mga nabanggit, may litrato din ang buong 11-man prosecution team, si dating Justice Secretary Serafin Cuevas na lead counsel ni Corona at ilang mga testigo tulad nina Ombudsman Conchita Carpio-Morales, BIR chief Kim Henares at Justice Secretary Leila de Lima.

Ayon kay House Deputy Speaker Erin Tanada, nais lamang umanong ipakita ng Kamara sa pamamagitan ng mural na may accomplishment ang 15th Congress at higit sa lahat ang accomplishment na ito ay para sa accountability.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply