Na-sona na tayo ng Tsina

ANO ba ang true state of the nation ng Pilipinas?
Sinakop na ng Tsina ang Pinas. Nagtayo na ng garrison sa Philippine Sea ang Tsina.

Nag-protesta na ang Vietnam. Nag-protesta na rin ang Taiwan.  Kailan kaya mapo-protesta ang Pinas?

May military mission daw ang Tsina sa pagtatayo ng garrison. Sa akin, ang Philippine Sea ang beach head na itatatag ng Tsina bago tuluyang sakupin ang Philippine Sea. Sumadsad na nga sa Palawan ang warship ng Tsina, pero ang sabi ni PNoy, incidental daw ang dating ng warship. Hindi sinasadya. Accidental!
Tell it to the marines, sabi nga ng marami. ‘Yan din ang sabi ng Rep. Rodolfo Biazon, dating pinuno ng Marines.

Isang isla ang kinupkop ng Tsina sa Philippine Sea at tinawag itong Sansha. At ginawa pang city. Handa ang Tsina na ipagtanggol ang Sansha. Ang Sansha ay bahagi ng Paracels sa Philippine Sea o South China Sea.
Sinakop ito noong 1974 sa kabila ng protesta ng Taiwan at Vietnam. At pati Pilipinas, siyempre. Ang sabi ng Vietnam, ito ay iligal. Sa amin ang Sansha. Daan-daang Vietnamese ang nag-rally against China.

Tayo, ano ang ginawa ng ating pamahalaan? Wala. Relax lang daw. Secret. “We don’t want to telegraph our movements,” sabi ni PNoy. Pero sir, hindi na uso ang telegraph ngayon. Cell phone na ang ginagamit ngayon.
Mabagal ang telegraph. Mas mabilis ang text. Mas mura pa. Kilos na, mga kapa-tid. Hindi lamang territory ang pinag-aagawan sa South Philippine Sea. Langis din, mga isda, kasama na ang  mga coral at iba pa.

Tayo ay nasa state of digmaan na, aminin man o hindi ng gobyerno. Mabuti pa si Loida Nicolas Lewis, ang bilyonaryong Fil-Am at umalma. Pero ang ating mga namumuno, ano ang reaction? Na declare na persona non-grata ng Tsina si Loida, pero si PNoy, nakidalamhati ba kay Loida?

Hindi ko pa napapanood ang state of the nation address (Sona) ng ating Pangulo. Ang deadline kasi ng column na ito ay Lunes nang tanghali. Sana ay may sabihin naman si PNoy tungkol sa Tsina sa kanyang SONA. Dahil ayaw nating isang araw ay ma-sona na tayo ng Tsina, kayumanggi ka man o Tsinoy o Fil-Am. O simpling tisoy.

Tayo’y mga Pinoy. Pango man ang iyong ilong o matulis

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply