Nabubulok na kaso ni Paje sa Ombudsman, unahin muna

NATUWA po tayo nang malaman natin na may personal na raw na tututok sa mga kasong isinasampa sa Office of  the Ombudsman lalo na sa may kinalaman sa paglabag sa batas para mapangalagaan ang kalikasan at kapaligiran.

Isa sa mga itinalaga kasi ni Ombudsman Chair Conchita Carpio-Morales si deputy Ombudsman for Environmental Gerald Mosqueda at si Asst. Atty. Raquel Marayag. Pero eto ang tanong.

Sino-sino at ano-ano ang mga iimbestigahan ng mga ito, baka naman puro mga “kakaning itik” lang ang mga iimbestigahan ng  mga ito!

Naku po diyos por  Santo…

Baka naman hindi pa nila makita ang lantarang mga anomalya at kawalanghiyaan diyan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). May nakakasuhan nga pero puro yung mga simple at maliliit na empleyado at kawani lang, kung minsan pa nga kung sino yung walang kasalanan ay ‘yun pa ang napagbibintangan pero yung mga utak at mga tarantado ay siyang nagpapasasa.

Bukod kasi sa nasabing 2 opisyal na yan ay may 26 na abogado ng anti-graft body ang magsisilbing imbestigador at prosecutor ng Environment team ng tanggapan. Hahawakan ng team na ito ang lahat ng kasong may kinalaman sa paglabag sa batas para sa pangangalaga sa kalikasan na maihahain sa Ombudsman.

Inatasan na rin ni Morales si Mosqueda na imbentaryuhin ang lahat ng hawak nilang ganitong kaso para ma-monitor ang mga maayos na paglilitis.

Oppss, teka Madam Morales baka hindi n’yo alam na may 2 kasong kriminal at 2 kasong administratibo na naisampa laban kay DENR Sec. Ramon Paje. Ano na ba ang latest? Baka puwede na pakisilip lang, nadismis na ba o inaamag lang diyan sa inyong mesa?
Eto ang mga kaso ni Paje, paglabag sa RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at ang pagsuway sa RA 6713 at RA9485.

Paki lang…..
Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply