Nag-iwan ng granada sa Cubao LRT-2, matutukoy sa CCTV

MAKATUTULONG sa pulisya ang video footage ng closed circuit television (CCTV) cameras para matukoy ang nagiwan ng granada malapit sa Light Rail Transit 2 station sa Cubao, Quezon City nitong Lunes ng gabi.

Sinabi ng Quezon City Police District (QCPD) na umaasa sila na ang nakakasang CCTV cameras sa mga establisimento na malapit sa LRT station ay makakapagbigay ng clue kung sino ang mga nag-iwan nito.

Natagpuan ng isang ayaw magpakilalang Metropolitan Manila Development Authority street sweepers ang MK-2 fragmentation hand grenade na nakabalot sa isang itim na plastic bag habang nagwawalis sa lugar malapit sa center island ng Aurora Boulevard dakong 1 p.m.

Unang inakala na basura lamang pero nang bulatlatin ang loob ng plastic bag ay tumambad sa kanya na isa pala itong granada.

Sa inisyal na imbestigasyon ng QCPD, napag-alaman na ang safety lever ng granada ay halos tanggal na at maaring sumambulat anomang oras.

Bago pa may mangyaring masama,  inilagay na agad ng mga tauhan ng Explosives and Ordnance Division EOD) ang naturang granada sa isang bomb blanket para dalhin sa QCPD headquarters sa Camp Karingal at duon ito ay pasabugin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply