Nag-react ang mga Vilmanian!

NAG-REACT ang mga Vilmanian, lalo na si Willie Fernandez, dahil sa naisulat ng isang writer (hindi sa Remate) kung saa’y mas malakas pa raw ang tilian ng mga fans kay Coco Martin kaysa sa ating mahal na Batangas Governor Vilma Santos-Recto nitong nakaraang OMG!Yahoo Awards na ginanap sa Mall of Asia Arena last July 7.

Paliwanag ni Willie na isang die-hard Vilmanians na ngayo’y nakabase na sa Davao, “Si Ate Vi, may appointment sa Batangas,” ani Willie kaya’t di nakadalo sa nasabing awards night. Patuloy pa niya, “Saka, walang dumalong Vilmanians. Hindi naman nasusukat sa tilian ang major impact ng pagkapanalo ni Ate Vi kundi sa landslide win niya.” pahayag pa ni Willie sa amin.

Yun na! Paano nga maikukumpara ang tilian ng fans nina Coco at Ate Vi kung ang huli ay wala naman sa pinagdausan ng awards night, samantalang si Coco ay present? Unfair naman yon sa aktres at politiko.

Saka na lang nila i-judge ang mahal nating gobernadora kapag showing na ang The Healing on July 25, kung mabisa at malakas pa rin ang karisma ni Ate Vi sa lahat ng kanyang mga fans.

—@@@—

TIYAK na tatagos sa inyong mga puso ang isang dekalibreng obra na nagsimula na noong Lunes (July 9) sa pagbubukas ng kuwento ng dalawang babaeng susubukin ng pag-ibig ang bigkis ng pagiging magkapatid nang sila ay magmahal sa iisang lalaki sa engrandeng dramang handog ng ABS-CBN— ang Kahit Puso’y Masugatan. Sa ilalim ng direksyon ng blockbuster director at master storyteller na si Wenn Deramas.

Mamarkahan ng Kahit Puso’y Masugatan ang pinakaunang seryeng gagawin ni Iza Calzado bilang isang ganap na Kapamilya at ang pinakahihintay na pagbabalik telebisyon ng tinaguriang heiress of drama na si Andi Eigenmann.

Dito rin unang makakatambal nina Iza at Andi ang dalawa sa sought after leading man na sina Gabby Concepcion at Jake Cuenca.

Sundan ang kuwento nina Andrea, isang pasensyosa ngunit palabang babae lalo na pagdating sa kanyang mga mahal sa buhay, at ni Veronica, isang babaeng pakiramdam ay marami siyang kakulangan sa buhay kaya naman ganun na lang ang pagpupursige niya makuha lang ang mga inaasam-asam, kabilang na ang lalaking kanyang pinakamamahal. Sa kanilang muling pagtatagpo matapos mahabang panahon, masusukat ang tibay ng kanilang pagiging magkapatid nang sila ay parehong nahulog ang loob kay Rafael (Jake), isang gwapo’t matipunong binata.

Mas lalong gugulo ang kanilang mundo nang ang mismong ama ni Rafael na si Miguel (Gabby) ay muling bubuksan ang puso para magmahal muli at iyon ay sa katauhan ni Andrea. Paano ipagpapatuloy nina Andrea at Veronica ang relasyon nila bilang magkapatid? Kaya kayang magparaya ni Andrea para sa kapakanan ng nakababatang kapatid na lubusang nagmamahal kay Rafael? Bibigyan kaya ng pagkakataon ni Rafael na mahalin din si Veronica matapos mala -man ang nararamdaman ng ama sa kanyang pinakamamahal na si Andrea? Hahayaan ba ni Miguel na mawasak ang samahan nilang mag-ama para sa babaeng nagturo muli sa kanya kung paano magmahal?

Kasama rin sa cast ng serye ang mga beterano at batikang artistang sina Jacklyn Jose, Malou De Guzman, Mylene Dizon, Assunta De Rossi, Cris Villanueva, DJ Durano, Mickey Ferriols, at Barbara Perez. Huwag na huwag palalampasin ang pinakaengrandeng drama sa primetime ngayong 2012 ngayong Lunes (July 9) na pagkatapos ng Lorenzo’s Time sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

—@@@—

MARAMING nakapansin na seksing-seksi ang arrive ni KC Concepcion no’ng rumampa ito sa ASAP 2012 last Sunday bilang pagkilala sa ika-20th anniversary ng nasabing talent arm ng ABS-CBN.

Luwa as in putok na putok at pansin na pansin ang cleavage ni KC habang rumarampa together with almost hundreds of Star Magic talents since 20 years ago. Talbog pa ni KC si Bangs Garcia na silip na silip ang boobs kapag tinitingnan ito ng pa-side view.

Okay lang kay Bangs dahil nag-umpisa ito blang pa-seksing star while si KC, pa-tweetums nga ang image niya sa fans. Sino kaya ang nag-utos kay KC na ilabas ang malulusog nitong boobs sa ASAP?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply