Nagpanggap na chief engineer ng barko, tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nagpanggap na chief engineer ng isang barko na kumamal ng tinatayang P200,000 cash mula sa kanyang mga nilokong aplikante.

Nahaharap ngayon sa kasong estafa at illegal recruitment ang suspek na si Christian Belle Nadlang, 19-anyos, tubong Pangasinan at residente ng Block 1 Lot 21 Cash Spring Caloocan City.

Nag-ugat ang pagkakadakip sa suspek, matapos maghain ng reklamo ang 12 nabiktima nito na pawang mga Marino.

Batay sa ulat ni PO3 Gilbert Isole, na isinumite kay P/Sr. Insp. Ramon Meneses, officer in charge ng Manila Police District-General Assignment Investigation Section, dakong 9:30 ng umaga nang bitbitin si Nadlang sa pangunguna ni Jonathan Mamauag, 44, Marino, may-asawa at tubong Cagayan, sa loob ng isang convenience store sa panulukan ng Jhocson St. at., España Boulevard, sakop ng Sta. Mesa.

Sa pahayag ni Mamauag, nitong Hunyo ay nakilala niya ang suspek mula sa isang kaibigan ding Marino at nakatira sa Golden Success Dormitory sa Jhocson St., kung saan nagpakilala ang huli na isang chief engineer ng isang barko at nangangailanagn umano sila ng mga marino para sa parating nilang barko.

At dahil naniwala naman si Mamauag ay nagbigay ito ng P10,000 cash sa suspek para sa lagay at sinabing tatawagan na lamang siya.

Makalipas ang isang linggo ay hindi na nito nakita ang suspek subalit kahapon ay muli siyang tinawagan upang magkita sila sa nasabing tindahan.

Dahil may pagdududa na si Mamauag ay hinanapan siya ng papeles na magpapatunay na isa itong chief engineer subalit wala itong maipakita at tinangka pa nitong tumakas subalit sa tulong ng pinsan ni Mamauag ay nakuwelyuhan kaagad ito at dinala sa nasabing tanggapan ng pulisya.

Bukod kay Mamaug, lumutang pa ang 11 pang marino na kinuhanan ng suspek ng cash na umabot sa P200,000 para makasakay sa barko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply