Nagwawalang vendor todas kay kagawad

TINANIMAN ng bala sa ulo ang isang 32 anyos na vendor, matapos umanong mag-ala Rambo habang lasing na lasing sa Tondo,  Manila.

Kinilala ang biktimang si Ronnie de Guzman, may asawa ng B-S 36  C-2 Capulong St., Tondo.

Nasa kustodiya na ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section ang itinuturong suspek na nakilalang si Alberto Valenzona Y Tolete, 46 anyos , may asawa  at Brgy. Kagawad sa Brgy.108 Zone 9 sa unang distito ng Tondo.

Batay sa ulat ni Det. Virgo Villareal, may hawak ng kaso, na isinumiti kay P/Sr.Insp. Joselito de Ocampo, dakong 2:30 ng madaling araw, nang maganap ang nasabing pamamaril sa bubungan ng bahay ng biktima.

Nauna rito, gabi pa lamang ay nakikipag-inuman na si de Guzman , dahil sa ika-26 na kaarawan ng kanyang hipag na si Jennifer.

Lumalalim na ang gabi, nang magtalo ang kapatid ng kanyang kumpare na si Ado Mendoza, na si “Ricky”, hanggang sa magkainitan at nakialam na umano ang kumpare nito, kaya nagawa nitong saksakin at masuwerte itong tamaan lamang sa braso.

Dahil dito, inudyukan naman ni Marites na asawa ng biktima na magpamedikal ang kanyang kumpare na nasaksak sa braso at tuloy ay magtungo sa MPD-Raxabago Police Station 1 para hulihin ang nagwawalang si de Guzman.

Sa puntong ito, dumating naman ang dalawang tauhan ni Supt. Alexander Navarrete, Station Commander ng MPD-PS , at hindi umano nagawang umakyat sa bahay ng biktima , kaya inutusan na lamang nito si Ginang de Guzman na siya ang tumawag sa asawa.

Hindi pa man nakakasunod ang ginang , nang dumating si Kagawad Valenzona, kasama ang isa pa at dito na siya umakyat ng bahay, para umano ito pasukuin.

Ilang saglit pa lamang ay nakarinig na ng isang malakas na putok ng baril sa itaas ng bahay, at tumambad ang biktima na  nakahandusay sa bubungan na may tama ng bala sa kaliwang bahagi ng ulo at wala na itong buhay.

Depensa ni Kagawad Valenzona, nagawa umano niyang barilin si de Guzman, nang atakehin umano ito ng saksak.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply