Nakardyak na van nabawi, 2 suspek tiklo

NAREKOBER ng awtoridad ang kinarjak na van ng hipag ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay kasabay ng pag-aresto sa dalawang carjackers at pagkabawi sa tsuper nito kasamang tinangay ng mga carjackers.

Ang Toyota Grandia van na kinarjak noong nakaraang Sabado ng hapon sa may tapat ng isang restaurant sa Katipunan Avenue ay naispatan sa may Ninoy Aquino International Airport Terminal 1. Ang naturang van ay pag-aari ni Angela Magsaysay, hipag ni Rep. Magsaysay.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na nakatanggap ang Paranaque City police ng impormasyon mula sa mga guwardiya ng NAIA na tinangkang iparada ng mga suspect ang naturang van sa loob ng NAIA-1 parking lot.

Pero dahil nakatimbre na sa lahat ng distrito ng pulisya sa Metro Manila ang plaka ng nakarnap na van, pinigil ng mga guwardiya ang nagmamaneho nito at ang kanyang kasama.

Ibinigay na ang dalawang suspects sa Quezon City Police District para isailalim sa masusing interogasyon, ayon pa sa ulat.

Samantala, ang driver ng van na nasa loob nito nang karnapin ang kanyang sasakyan ay nailigtas na rin kaya ibinasura na ng QCPD na kasabwat ito sa krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply