Nakawalang buwaya sa zoo sa Kidawapan hinahanap

HINAHANAP na ang isang walong-talampakang buwaya na nakawala sa isang zoo sa Kidapawan City nitong Sabado.

Sa ulat, sinabi ng caretaker ng The Landmark Mini-Zoo, natuklasan niyang nawawala ang buwaya nang pakakainbin na niya sana ito.

Ayon pa sa caretaker, may nakita umano sa buwaya sa Saging Rivr, na hindi kalayuan mula sa naturang zoo kaya posibleng nasa palagid lamang ito.

Nangangamba naman ang mga residente na baka atakehin sila ng nasabing buwaya.

Nakikipag-ugnayan na sa Department of Environment and Natural Resources ang lokal na pamahalaan ng Kidapawan City para sa ikadarakip ng buwaya.

Pinayuhan muna ng pamunuan ng zoo at ng lokal na pamahalaan ang mga residente na huwag munang maligo sa ilog.

Nangako naman ang lokal na pamahalaan na sa oras na mahuli ang buwaya ay kanila itong ilalagay sa mas matibay na kulungan upang hindi na muling makatakas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply