Nangungutang na naman si Nora Aunor?

NA-SHOCK kami sa usap-usapan ngayon sa showbiz at nababasa namin na nagte-text daw si Nora Aunor at diumao’y nangungutang. Kahit reporter ay tine-text niya at diumano’y inuutangan. Gaano ba ito katotoo?

May masama bang nangyayari sa pag-stay niya sa Las Vegas dahil nakatatanggap ang mga malalapit sa kanya ng text na nagangailangan diumano siya ng financial support?

Nasaan na ang milyon-milyong kinita ni Ate Guy sa TV5 at sa pelikula niyang ‘El Presidente’ with Gov. ER Ejercito? Kung true ang balitang ito, saan niya gagamitin ang diumano’y hinihiram niyang pera?

Nakalulungkot naman ang kumakalat na tsikang ito. Hindi kami makapaniwala!

-0o0-

PUMUPUGAY sa Hari ng Komedya na si Mang Dolphy ang production unit ni Sir Raymond Dizon, sa lahat ng comedy shows niya sa ABS-CBN dahil na rin sa kanyang pagyao at kaarawan sa July 25. Simula ngayong Linggo ay mapanonood ang ‘TATAK DOLPHY (Long Live Comedy) sa Toda Max, Banana Split, at Goin’ Bulilit.

Halimbawa ay ‘yung pagta-translate ng English at tagalog nina Dolphy at Panchito sabay kantahan sa kanto ay  mapanonood sa ‘Toda Max’. Sa Goin’ Bulilit ay magkakaroon din ng segment at mga palitan ng jokes na Tatak Dolphy talaga.

Pangungunahan din nina Angelica Panganiban, John Prats, Zanjoe Marudo, Jayson Gainza , Ryan Bang at Melai Cantiveros ang Tatak Dolphy sa Banana Split.
Bubuhayin nila ang legacy ng Ace Comedian bilang isang kapamilya at itinuturing na bahay niya talaga ang ABS-CBN 2.

-0o0-

SA pagkawala ng kanyang “Tatay”, ginunita ni Angeli Gonzales na gumaganapa na April sa ‘Luv U’ ang mga masasayang alaala at pangaral na natutunan niya mula kay Pidol noong nagkasama sila sa Home Along Da Riles kung saan ginampanan niya ang apo ni Kevin Kosme na si ABK.

Ayon sa young star, may malasakit at maalalahanin si Dolphy sa kanyang mga kasamahan. “Lagi niya po akong kinukumusta, tsaka yung pag-aaral ko lagi niyang sinasabing galingan ko”, ani Angeli.

Ibinahagi rin ng LUV U star ang mga itinuro sa kanya ng Hari ng Komedya. “Sabi po ni Tatay, maging mapagkumbaba, rumespeto sa kapwa, at laging magpasalamat sa Diyos sa mga kaloob Niya.

“Hindi man mayaman si Kevin Kosme, pinayaman niya naman po ng aral ang puso ko at ng bawat taong pinukaw niya.”

Mapanonood si Angeli tuwing Linggo sa LUV U, 3:15 p.m. pagkatapos ng ASAP 2012 sa ABS-CBN 2.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply