Napadpad na Pinoy fishermen sa Panatag Shoal itinaboy ng mga Tsino

LIGTAS nang nakauwi sa kani-kanilang pamilya ang pito sa walong mangingisda na nawala sa karagatan dahil sa masungit na panahon.

Nabatid na masaya man ang mga ito ay hindi naman nila makalimutan ang naranasan sa mga Tsino nang sa halip tulungan ay itinaboy sila nang subukang kumubli sa Panatag Shoal.

Kinilala ang pitong mangingisda na sina Billy Rellano, Benjamin Alcala Jr., Juanito Lebios, Ricardo Paluan, Allan Rada, Pimpee at Peljune Flores, pawang ng Pangasinan.

Patuloy namang pinaghahanap pa ang isa na kinilalang si Garry Garcia.

Sa imbestigasyon, Huwebes pa noong nakaraang linggo nang mawala sa karagatan ang mga mangingisda matapos hampasin ng malalaking alon ang kanilang bangka.

Para makaligtas ay tinalian nila ang kanilang sarili para hindi magkahiwa-hiwalay.

Na-stranded anila sila sa pinag-aagawang Panatag Shoal ng Pilipinas at China kung saan itinaboy sila ng mga Tsino na naroroon.

Pinatotohanan din ng pito ang mga nakaumang na kanyon ng mga Tsino sa naturang isla.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply