Napatay na mga sundalo sa Basilan, binigyan ng hero’s welcome

BINIGYAN ng “hero’s welcome” ang mga nasawing sundalo galing ng  Sumisip Basilan  nang dumating na ang mga labi sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio Taguig City.

Sinalubong ang pagdating ng mga labi ng mga kaanak ng mga ito na naging emosyonal sa pagkasawi ng mga sundalo sa kamay ng mga rebeldeng Abu Sayaff.

Pinangunahan ni Phil.Army Chief Lt.Gen. Emmanuel Bautista at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan ang  “hero’s welcome” ang mga nasawing sundalo. Binigyan din ng financial assistance ang mga pamilya ng mga sundalo.

Ayon kay Army spokesman Maj. Harold Cabunoc, iniuwi na ang labi ng 10 sundalong nasawi sa kani-kanilng lalawigan kung saan lima ang dinala sa Metro Manila.

Umaabot na umano sa 19 ang namatay sanhi ng naganap na engkwentro sa pagitan ng mga militar at Abu Sayaff.

Nagdagdag na umano ang Phil.Army ng mga detachment sa lugar kung saan napatay ang mga sundalo at hanggang sa ngayon ay patuloy ang hot pursuit operation  ng militar laban sa bandidong Abu Sayyaff na siyang responsable sa karahasan at pagkalagas ng mga sundalo ng pamahalaan .

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply