Natigbak lang sa ASAP: Nina bagsak presyo na sa show, album nilalangaw pa

LIKE what happened to Sheryn Regis na nawalan talaga ng career matapos tanggalin sa ASAP ng Kapamilya Network dahil sa pag-iinarte at pagmamaladita, ganito rin ang sinapit ng dating in-demand na Soul Siren Diva na si Nina. Imagine, kung noon ay nakatatanggap siya ng Diamond Record Award dahil sa million sales ng kanyang album, ngayon maliban sa nilalangaw na sa mga record bars ang kanyang latest album madalang na rin sa patak ng ulan ang dating ng offer sa kanya para sa mga out of town shows, corporate show at concerts, ganoon na rin ang TV guesting.

Heto pa ang aming nasagap na chika, may isang promoter na madalas kunin ang kanyang serbisyo sa mga shows nito na binabarat na ang presyo ng singer. Very insulting ito kasi noong miyembro pa ng ASAP Sessionistas ay hindi nangyayari ito kay Nina kundi special treatment talaga ang ibinibigay sa kanya ng mga talent promoters.

Well, ganyan talaga kapag naging masyado kang palalo. Talagang wether you like it or not, talagang ibabagsak ka ni Lord. Honestly, walang halong exaggeration, ‘di hamak na mas kilala at sikat pa ngayon ang kasamahan ni Nina sa Sessionistas na si Princess Velasco na na-link noon sa controversial personality na si Hayden Kho. Kasi naman, sa susunod huwag na huwag ninyong pinagmamalakihan ang mga network na nagbigay sa inyo ng daan para sumikat, specially ABS-CBN talagang kapag binuild-up ka ng network na ito ay talagang magiging super duper famous ka hindi lang dito sa Pinas kundi maging sa abroad din. Very sad story gyud!

***

Si Sir Deo Edrinal ang top exectuive ng ABS-CBN na may Midas Touch

ISA ang top executive na si Sir Deo Edrinal sa mga taong nasa likod ng tagumpay ng dekada ng ASAP. At ngayon kami higit na naniniwala ni BFFT Pete A. na may taglay na siyang ‘midas touch’ dahil lahat ng mga shows na hawakan niya with Ma’am Julie Ann Benitez, specially teleserye, ay pawang naging mga top rater. At hindi lang tunay na nagri-rate ang mga shows ng nasabing mabait at very charming na executive (Sir Deo) kundi tumatatak talaga ito sa lahat ng mga manonood. Ilan sa mga matagumpay na proyekto nila ni Ma’am Julie, Sir Biboy Arboleda kasama ng buong production people that inludes the writers and their directors ay ang May Bukas Pa ni Zaijan Jaranilla, Tayong Dalawa, Kung Tayo’y Magkakalayo, Minsan Lang Kitang Iibigin, 100 Days to Heaven nina Xyriel Manabat at Ms. Coney Reyes Mumar, My Binondo Girl ni Kim Chiu.

At ngayon, pare-pareho namang humahataw sa rating games ang mga teleserye ni Sir Deo na under sa kanyang unit tulad ng Walang Hanggan na pinagbibidahan nina Coco Martin at Julia Montes na pumapalo sa 45% ang rating gabi-gabi. Nariyan rin ang wagi lagi sa rating na Aryana with Ella Cruz and Paul Salas, at ang kauumpisa pa lang na Lorenzo’s Time ni Zaijan na niyakap at tinanggap agad ng milyun-milyong manonood at ang Kapag Puso’y Sinugatan na mapanonood na simula July 16 sa Primetime Bida ng Kapamiya Network. We heard na kaya tuluy-tuloy ang suwerte at akyat ng blessings sa mga project ni Sir Deo ay dahil sa magandang working relationship ng bawat isa. Big asset talagang maituturing si Sir Deo ng istasyon ni Sir Gabby Lopez.

Ikaw na gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply