National Artist award may proseso – M’cañang

MULING iginiit ng Malakanyang na may prosesong sinusunod para pagkalooban ng parangal ang isang indibidwal o alagad ng sining gaya ng National Artist award.

Ito ang tugon ng Malakanyang sa naging pahayag ni dating Pangulong Joseph Estrada na matagal na sanang naibigay ang National Artist award para kay Comedy King Dolphy para sa mga naiambag nito sa movie industry.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi nila maaaring panghimasukan ang trabaho ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Cultural Center of the Philippines (CCP).

Sinabi ni Valte na umaasa silang makikinig ang NCCA at CCP sa mga nananawagang gawaran na ng inaasam-asam na parangal si Dolphy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply