National award giving body ipinabubuwag

SA GITNA ng kontrobersiya kaugnay sa hinihiling na pagkakaloob ng National Artist award kay Comedy King Dolphy, inihirit ng singer-composer na si Anthony Castelo na buwagin na lamang ang nasabing award giving body dahil sa maruming imahe nito sa kontrobersiya.

Ayon sa dating QC councilor at Pangulo ng Dakilang Lahi Foundation, sumulat na sila kay Pangulong Benigno Aquino III dahil naniniwala silang hindi maaaksyunan ng kasalukuyang pamunuan ng National Commission on Culture and the Arts maging ng Cultural Center of the Philippines sa nagkakaisang panawagn ng publiko na ibigay na kay Dolphy ang nasabing pagkilala.

Nakasaad din sa liham ni Castelo kay Pangulong Aquino ang dokumentadong interview ng kanilang grupo sa ginawang pagtuturuan ng NCAA at CCP noong kanilang hingin ang mga papeles kung paano isinasagawa ang selection process.

Ani Castelo, nawalan na ng kredibilidad ang National Artists award mula ng manghimasok umano dito si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kung saan iginawad ang nasabing parangal kay Direk Carlo J. Caparas at tatlong iba pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply