National Day of Remembrance para kay Pidol idineklara ni PNoy

IDINEKLARA na ni Pangulong Benigno Aquino III na “National Day of Remembrance” ang Hulyo 13, Biyernes para sa King of Comedy na si Rodolfo Vera Quizon Sr.

Ito ay matapos bumisita ng pangulo sa burol ng Comedy King sa Heritage Park sa Taguig City kanina.

Eksaktong alas-5:20 nang dumating ang Pangulong Aquino sa burol.

Sinalubong ng common-law-wife ni Dolphy na si ZsaZsa Padilla ang pangulo.

Ilang minutong tumigil ang Pangulong Aquino sa harap ng kabaong ng Comedy King, nag-alay ng panalangin kasama sina DoTC Sec. Mar Roxas at DILG Sec. Jesse Robredo.

Pagkatapos ay muling kinausap si Ms Padilla at matapos ang sandaling kuwentuhan ay binati naman ng Pangulong Aquino ang iba pang kamag-anak ni Dolphy.

Hindi naman nagtagal ang Pangulong Aquino sa burol dahil agad siyang bumalik ng Malakanyang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply