NBA stars nasa bansa na

DUMATING na sa bansa sina NBA stars Scottie Pippen at Dennis Rodman para sa All-Star Basketball Challenge kung saan makababakbakan nila ang Philippine Basketball Associations stars sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City, bukas (Hulyo 18).

Si Pippen ay dating player ng Chicago Bulls noong 1987 hanggang 1998 bago lumipat sa Houston Rockets noong 1999. Ngunit napunta sa Portland Trail Blazers at naglaro para sa nasabing koponan mula 1999 hanggang 2003. Nagbalik sa Chicago si Pippen noong 2003 hanggang 2004.

Mayroon ding anim na championship rings si Pippen na kanyang nasungkit noong 1991, 1992, 1993, 1996, 1997 at 1998.

Itinaghal na rin siyang NBA All-Star Game Most Valuable Player noong 1994.

Samantala, si Rodman naman ay isa sa pinakasikat na NBA player na nagsimulang maglaro sa liga noong 1986 hanggang 1993 para sa Detroit Pistons. Naglaro rin siya sa San Antonio Spurs (1993-1995), Chicago Bulls (1995-1998), Los Angeles Lakers (1999) at Dallas Mavericks (2000).

Siya ay may limang kampeonato at kinilala bilang NBA rebounding champion mula noong 1992 hanggang 1998.

Kabilang sa mga kakampi nina Rodman at Pippen sina Horace Grant, Mitch Richmond, Cliff Robinson, Bryon Rusel, Jason Williams, Alexis Foyle, Jeff Trepagnier, Chris Campbell at Charoy Bentley.

Binubuo naman nina four-time Most Valuable Player Alvin Patrimonio at one-time MVP Kenneth Duremdes, Jerry Codiñera, Marlou Aquino, Vince Hizon, Nelson Asaytono, Bal David, Noli Locsin at EJ Feihl ang team ng PBA legends.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply