NBA stars Rodman, Pippen dumating na sa bansa

NASA bansa na ang mga dating sikat na NBA players upang makipaglaro laban sa isang exhibition games sa mga datihang manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) sa MOA Arena, Pasay City bukas ng gabi.

Dumating ang NBA squad kanina sa pangunguna ni six-time NBA champion Scottie Pippen at Dennis Rodman sa Ninoy Aquino International Airport lulan ng Malaysia Airlines flight  704.

Ang NBA veterans, bahagi ng 11-man US touring team ng New York City-based Professional Basketball Alumni Association (PBAA) ay makahaharap ang mga dating NBA na kinabibilangan nina Jojo Lastimosa, Noli Locsin, Marlou Aquino, Bal David, Nelson Asaytono, Vince Hizon, E,J, Feihl, Bong Hawkins, Kenneth Duremdes, at Jerry Codiñera.

Ang iba namang NBA stars na dumating ay sina Horace Grant, Jason Williams, Mitch Richmond, Clifford Robinson, Victor Alexander, Charoy Bentley, Jeff Trepagnier, Christopher Campbell, Alexus Foyle at, coach Oscar Robertson na kagagaling lamang sa laro laban sa Westports Malaysia Dragons sa Melawati Indoor Stadium sa Kuala Lumpur.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply