NDRRMC sa publiko: ‘Wag maging kampante

HINDI dapat maging kampante ang publiko kahit nakalabas na ng bansa ang bagyong Ferdie

Iginiit ni NDRRMC Executive Director Benito Ramos na pag-ibayuhin pa ang pag-iingat matapos na makalabas ng Philippine Area of Responsibility ang nasbaing bagyo.

Ayon kay Ramos, kinumpirma nito na ang mga lugar ng Bulacan at Pampanga ay lubhang apektado pa rin pagbuhos ng ulan dulot ng bagyo.

Partikular ang bayan ng Malolos, Obando, Meycauyan, Mariloa, Calumpit, Giginto, Pulilan sa Bulacan ay sinuspinde na ang klase pati na rin ang sa lungsod ng Pampanga.

Sinuspinde na rin ng klase ang lahat ng pampublikong at pribadong eskelahan mula preschool hanggang high school sa Cavite City, Malabon, Valenzuela at San Pablo City sa Laguna.

Wala na rin pasok sa lahat ng antas ng UST sa Espanya, Maynila dahil na rin sa matinding baha.

Kasunod nito, iginiit din ni Ramos sa mga residenteng nakatira sa Northern Luzon na mag-ingat dahil sa mga lumulutang na ahas na tumutuklaw bunsod ng baha.

Nagpa-alala rin ang opsiyal na mag-ingat ang publiko sa patuloy na pag-ulan dahil posible itong pagmulan ng mga sakit tulad ng leptospirosis, sipon at ubo at iba

Sinabi ng PAGASA Administrator na asahan pa rin ang pabugsu-bugsong pag-ulan partikular sa Luzon, Zambales Marinduque, Norhern Visayas, Bicol Region, Calamian group, Romblon ganundin sa Metro Manila.

Pinabulaanan din ni Servando na malayo pa sa teritoryo ng bansa ang susunod na bagyo na papangalanang “Gener.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply