NDRRMC tutol sa paglilipat ng school opening sa Setyembre

LABIS na tinututulan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang panukalang ilipat sa Setyembre ang pagbubukas ng klase sa halip na Hunyo.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Benito Ramos, mas malalakas at mapaminsala ang mga bagyong dumadating sa bansa tuwing buwan ng Setyembre kung ihahambing tuwing Hunyo.

Ipinaalala ni Ramos na Setyembre nang manalasa ang bagyong Ondoy noong 2009 na puminsala sa malaking bahagi ng Metro Manila.

Matatandaang muling nabuhay ang mga panawagang ilipat sa Setyembre ang pasukan dahil sa pagkakaantala ng klase ng mga mag-aaral tuwing Hunyo dulot ng masamang panahon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply