Negosyante hinatulan ng 2-6 taon pagkabilanggo

HINATULAN ng Court of Tax Appeals ng dalawa-hanggang anim ba taong pagkakabilanggo ang distributor ng Forever Living products na si Gloria Kintanar sa kasong tax evasion.

Iginawad ng CTA ang hatol sa kabila ng mosyon ng abogado ni Kintanar na si Atty. Salvador Quebral na ipagpaliban ang pagdinig dahil nakaratay sa ospital ang akusado.

Nagprisinta sa korte si Quebral ng medical certificate na nagpapatunay na may sakit si Kintanar, na nakararanas ito ng hypertension at pagsakit ng ulo kaya hindi nakarating sa korte.

Si Kintanar ay hintulang ng CTA in absentia matapos magdesisyon ang justices ng Second Division na hindi pagbigyan ang mosyon ng abogado ni Kintanar.

Nagpalabas rin ng hold departure order (HDO) ang korte laban kay Kintanar na nahaharap sa P6.3 milyong tax evasion case dahil sa kabiguang maghain ng income tax return noong 2000 at 2001.

Si Kinatanar ang kauna-unahang mapaparusahan sa kasong tax evasion.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply