Negosyanteng dawit sa chopper scandal kinasuhan ng BIR

IPINAGHARAP ng tax evasion case ng Bureau of Internal Revenue sa Department of Justice ang negosyanteng si Hilario De Vera dahil nabigong ideklara nang tama ang kanyang Income Tax Return at Value Added Tax Return para sa taong 2009.

Batay sa pagsisiyasat ng BIR, tumanggap ng P20 milyon na income payments ang negosyante mula sa ilang korporasyon.

Ngunit sa isinumiteng ITR ng negosyante, mahigit P9 milyon lamang ang idineklara nitong kita.

Si De Vera, ang solong may-ari ng Manila Aerospace Products Trading (MAPTRA) na nadawit noon sa maanomalyang bentahan ng mga chopper sa Philippine National Police (PNP).

Bukod sa negosyante, nasasangkot din sa iskandalo si dating First Gentleman Mike Arroyo at ilang mataas na opisyal ng PNP at Department of the Interior and Local Government.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply