Negosyanteng tumulong sa nasunugan, inuupakan sa Pasay

LABIS na ikinalungkot ng isang kilalang negosyante na mamasamain ng mataas na opisyal ng lunsod ang ginawang niyang pagtulong sa mga nasunugan sa Maricaban, Pasay City.

Ayon kay Jeorge del Rosario, ipinagkakalat ng ilang kaalyadong barangay officials, at empleyado ng city na naapektuhan ng sunog, na nilait-lait umano  ng kanyang maybahay ang mga naghihikahos na residenteng nawalan ng bahay.

Mariin namang binabulaanan ni Del Rosario ang alegasyon na nagsuplada ang kanyang may bahay na si Tricia habang isinasagawa ang pamamahagi ng kumot, banig, at pagpapakain ng aroscaldo sa mga biktima ng sunog.

Ayon kay Del Rosario isang black propanganda lamang ang ipinakakalat ng kilalang mataas na opisyal dahil nagagampanan niya ang mga kakulang ng pamahalaang lokal para matulungan ang mga pangangailangan ng Pasayeño sa oras ng pangangailangan.

Ipinaliwanag ni Del Rosario na dahil sa sobrang pagod sa pag-aasikaso sa mga nasunugan, napangaralan nila ang kanilang staff dahil may ibang residente ang hindi nabigyan ng tulong.

Binigyan linaw ni Del Rosario na walang naganap na panlalait o pagmumura, taliwas sa kumakalat na ulat na ipinararating ng mataas ng opisyal sa naka-upo sa lungsod ng Pasay.

Nanawagan si Del Roasario sa mga residente iwasan ang pagkakalat ng intriga laban sa kanya para sirain ang magandang imahe sa lungsod na kanyang sinilangan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply