New evangelization isulong – Santo Papa

KASABAY ng pagsisimula ng pagdaraos ng ika-105th plenary assembly sa Maynila ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), nanawagan si Pope Benedict XVI sa mga obispo ng Pilipinas ng isulong ang “new evangelization.”

Sa kanyang mensahe, sinabi ng Santo Papa na umaasa siyang magsasagawa ng iba’t ibang inisyatiba ang mga obispo upang maisakatuparan ang misyon ng simbahan na pangunahan ang mga tao sa kanilang  pananampalataya, kalayaan at kapayapaan sa pamamagitan ni Kristo.

Ang mensahe ng Santo Papa ay ipinaabot sa mga obispo ni Vatican Secretary of State Cardinal Tarcisio Bertone sa pamamagitan Papal nuncio Archbishop Giuseppe Pinto na dumalo sa mismong pagbubukas ng plenaryo.

Nabatid na may 96 miyembro ng CBCP, kung saan 88 sa kanila ang aktibong dumalo sa pulong na ginaganap sa Pope Pius XII Catholic Center.

Kabilang sa mga dumalo ay sina are Cebu Archbishop Jose Palma, CBCP president, Manila Archbishop Luis Antonio Tagle at Retired Archbishop Ricardo Cardinal Vidal.

Inaasahang magtatapos ang pulong sa Lunes at ilan sa kanilang inaasahang tatalakayin ay ang reports ng mga komisyon at tanggapan ng CBCP, gayundin ang mga plan of activities na may kinalaman sa pagdiriwang ng Year of Faith at pagsusulong ng new evangelization.

Tatalakayin rin ang paghahanda para sa national celebration na pasasalamat sa canonization ni Blessed Pedro Calungsod at updates sa reproductive health bill.

Ang New Evangelization ay panawagan sa mga mananampalataya na palalimin pa ang kanilang pananampalataya, paniniwala sa Salita ng Diyos at pagpoproklama nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply