Nicole adopted pero ligal na anak ni Dolphy

SI NICOLE Quizon bagama’t adopted daughter ay siyang kaisa-isang ligal na anak ni Tito Dolphy dahil dumaan ito sa ligal na proseso. Baby pa ito nang ipaampon sa hari ng komedya ng mag-asawang hirap na hirap sa buhay.

Nung mga unang taon daw ay hindi maganda ang naging relasyon ni mang Pidol sa mga magulang ng dalaga dahil parati raw itong lumalapit sa huli at humihingi ng pera.

Naisip ng mabait na komedyante na baka kinukotongan lang siya nito. Kaya nung minsang pumunta ang mag-asawa para humingi ulit ng pera, pinagsabihan na raw ito ng comedy king.

Aniya, “Ito na ang huling bigay ko sa inyo, at kunin nyo na ang bata.” Pagkatapos nun hindi na raw nagpakita ang tunay na mga magulang ni Nicole.

Ang kuwentong ito ay naibahagi sa amin ni Tita Emma ng ABS CBN sa presscon ng The Healing, ang pelikula ni Ate Vi na palabas na sa July 25. Hindi lang namin sinulat dahil baka maling ipaalam sa publiko na ampon lang si Nicole nina Tito Dolphy at Zsa Zsa Padilla.

Pero sa kanyang eulogy during the necrological service for her dad sa The Heritage Park Memorial Chapel in Taguig City on Thursday, July 12, sinabi ni Nicole na siya ay isang ampon lamang, na karaniwang minamasama raw sa TV, ngunit siya ay nagawang mahalin nang lubos ng kanyang kinikilalang tatay. She felt loved and well-provided for despite having 17 siblings.

Narito ang mga sinabi ng mabait na dalaga: “Ganitong klaseng tao si Papa. May 17 siyang anak sa labas, isang ampon. Ang mga karaniwang minamasama sa TV, mga mahihirap—yun yung nagawa niyang mahalin nang lubus-lubusan.

“Lahat tayo minahal ni Papa. Lahat tayo napagtugunan niya nang pansin.
“Dati iniisip ko, 18 children, saan niya nahuhugot lahat ng energy at pagmamahal na lahat kami well-provided for all through our lives kahit sa pagtanda namin, lahat naibibigay.

“Ngayon alam ko na. Dahil sa ang buong sambayanan ng Pilipinas ay nagmamahal din sa kanya. At yun ang naibabalik niya sa amin. Thank you na minahal ninyo si Papa kaya niya kami minahal. Thank you kahit madami na siyang hindi makikita sa amin ni Zia. I know he’ll be watching from far away.

“The thing I love most about Papa is napa-aral niya kaming lahat. With the help of Mama, napadala niya ako sa Australia,” mahabang pahayag ni Nicole na the very proud sa kanyang papa. Siya ngayon ay naka-base sa Melbourne, Australia, kung saan siya nag-aaral ng Anthropology. Umuwi lamang siya dahil sa pagkakasakit at pagpanaw ng dinadakila niyang ama.

***

Bisaya pagbabawalan nang pumunta sa mga lamay ng patay

NAG-formulate raw itong Lakay Partylist Representative na si Danilo Pasion nang “Anti-Rama Bill” banning Annabelle Rama na pumunta sa alinmang burol o lamayan. Ang House Resolution ay may bilang na 71412 at ready for submission na ito  sa congress for passing it into law.

Hindi raw kasi kinaya ni Rep. Pasion ang dramang nasaksihan niya kung saan nagmukhang kontrabida raw si Annabelle sa paningin nang lahat ng mga taong nandoon sa isang kuwarto ng The Heritage Park sa Taguig na pinagbuburulan nang yumaong Comedy King.He was so shocked daw sa nangyari. “Hindi puwedeng sabihin ng lipunan na ganyan talaga siya, kasi dahil dun ang lipunan ang nagbabayad sa masamang ugali niya,” katwiran pa nito.

Kung shocked siya sa ginawa ni Bisaya, kami nama’y natakot. Aba’y over-acting naman yata ito. Baka ang lahat ng tao sa Pilipinas pag nabigla at nag-cause ng ingay sa isang lamay ay ma-banned. Kawawa naman sila. Kapag namatay ang kamag-anak nila di sila puwedeng pumunta sa labi ng mga ito. At ano naman kaya ang pakinabang ng sambayan sa hakbanging ito ng representante ng Lakay?

Maaring hindi nga maganda ang mga nagawa ni Annabelle dahil pangalawang beses na ito. Una’y sa burol ni Joey Stevens, ex-husband ni Amalia Fuentes, na pinormahan at hinamon niya ang huli. At pangalawa nga’y itong nangyari kamakailan. Pero itong naiisip ni Congressman Danilo ay pagsagka sa kalayaan ni Ms. Annabelle bilang tao at bilang isang mamayang Pilipino. Kaya nang disiplinahin ng showbiz ang nanay nina Ruffa Gutierrez. Huming naman na ito ng sorry at tinanggap nang buong puso ng mga Quizon. Palagay natin, wala nang dapat pang pagkaabalahan si Congressman.

Magpa-file naman yata si Chito Alcid ng demanda. Bahala na silang mag-usap sa husgado. At meron namang organisayon ang mga artista, so, hindi na dapat pag-aksayahan nang panahon ito sa kongreso.

***

Pelikula ni Ate Vi inaasahang patataubin ang kinita ng Praybeyt Benjamin

SO far, ang Praybeyt Benjamin ni Vice Ganda na produced ng Star Cinema ang may record na may pinakamalaking kinita sa takilya, umabot ito sa mahigit na tatlong-daang milyon.

This time, mukhang patataubin ng Star Cinema ang sarili nilang record dahil talaga namang naiiba, napakaganda at napakagagaling ng mga artista ng iba’t ibang henerasyon sa pangunguna ni Vilma Santos ang bumubuo sa horror-suspense movie nilang The Healing na palabas na sa July 25.

Napakasisipag din ng Vilmanians lalo na itong friend nating si Jojo Lim sa pag-promote ng naturang pelikula. Ginagamit nila ang social media at mga social networking sites at maging sa text para ipaalam sa lahat ang kagandahan ng proyektong ito.

‘Yan ang mga tagahanga ni Ate Vi, hindi lamang nakanganga kundi sumusuporta sa idolo. Walang panahon sa pakikipag-away sa ibang fans ng mga artista lalo na sa kakontemporaryo ni Gov. Vi.

Goodluck sa Vilmanians at sa Star Cinema!

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply