Nixon Kua pumanaw na; 4 suspek nahuli na

PUMANAW na ang kolumnista at dating Philippine Tourism Authority general manager na si Nixon Kua sa Calamba Medical Center, kagabi (Hulyo 23) dahil sa tinamong tama ng bala sa mukha at sa iba’t ibang parte ng katawan.

Noong Sabado, binaril ng mga armadong lalaki si Kua habang nasa bahay ng kanyang kapatid na si Allyxon sa Calamba at kasabay ng pagtakas ng mga ito ay tinangay ang malaking halaga ng pera at mga gamit nilang magkapatid.

Magugunita na si Kua ay hinirang na Gabinete ng dating Pangulong Joseph Estrada noong taong 2000.

Samantala, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang apat na suspek sa pamamaril kay Kua.

Ayon sa Laguna Police, mismong ang mga magulang at kamag-anak ng mga suspek ang nagsuko kina John Rey Cortez, Noel Garcia, Darwin Samiano at Michael Molino.

Nakatakda silang iharap sa media sa Camp Vicente Lim ngayong araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply