No.1 most wanted person sa Lanao arestado

ARESTADO ng pulisya ang number 1 most wanted person sa Lanao del Norte, ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kaninang umaga.

Ayon kay CIDG director Samuel Pagdilao, Jr. inaresto si Melvin Boladaco, 46, sa Barangay Jagobiao, Mandaue City sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Allan Flores dahil sa pamamaril umano nito at pamamaslang sa isang balut vendor na si Antonio Tobog.

Si Boladaco ay siyang nasa unahan ng listahan ng most wanted person sa Kaptagan, Lanao del Norte.

Sinasabing binaril ng suspek si Tobog sa harapan ng isang gasolinahan sa Kapatagan.

Ayon kay Pagdilao ang pag-aresto kay Boladaco ay parte pa rin ng kampanya ng CIDG sa pagtugis laban sa mga wanted persons sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply