No plastic, hirap ipatupad sa Kyusi

AMINADO ang Quezon City government na nahihirapan pa silang ipatupad ang total ban sa paggamit ng plastic kaya inuunti-unti muna nila ang pagpapatupad nito hanggang sa tuluyan nang masanay ang mga residente na hindi gumamit ng plastic.

Mismong ang konsehala na naghain ng naipasang ordinansa na nagreregular sa paggamit ng plastics sa siyudad ang nagpahayag nito sa ginanap na forum sa QC Hall, pahayag ni 1st District Councilor Dorothy “Doray” Delarmente.

Si Councilor Delarmente ang naghain ng mga ordinansang may bilang na SP-2140 o mas kilala bilang “QC Plastic Bag Reduction Ordinance” at SP-2103 na naglalayon din na limitahan ang paggamit ng plastics sa siyudad lalo na sa mga establisimiyentong pangnegosyo sa pamamagitan ng pag-obliga sa mga business establishments na maglagay ng karatulang “Save the Environment, Bring Your Own Recyclable/Reusable Bags” sa kanilang mga tindahan.

Inaprubahan ni Mayor Herbert Bautista ang QC Plastic Bag Reduction Ordinance Abril 24 lamang ng taong ito o apat na taon matapos na unang maihain ang nasabing ordinansa sa Sangguniang Panlungsod.

Para naman kay Vice Mayor Joy Belmonte, ang pagpapatupad ng naturang ordinansa ay pagpapakita lamang na seryoso ang pamahalaang-lungsod na itaguyod ang Quezon City bilang isang luntian at sustenableng siyudad pagdating sa usaping pangkalikasan.

Ipinaliwanag ng bise alkalde na kung ikukumpara sa ibang siyudad mas pinili nilang i-regulate muna ang paggamit ng plastics sa halip na magpatupad ng total plastic ban sapagkat kailangan munang mabago ang pag-uugali, paggawi at pagtanaw ng mga residente bago tuluyang mapagtagumpayan ang implementasyon ng total plastic ban.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply