Nominasyon ng bagong CJ, ipinatitigil ng Senado

KAGYAT na inaprubahan ng Senado ang tatlong resolusyon kabilang ang panukala na ipatigil sa Judicial and Bar Council (JBC) na pumili ng nominado bilang chief justice sa isusumiteng short-list kay Pangulong Benigno Aquino III.

Nitong Lunes matapos ang mahigit isang oras na caucus ng Senado, pormal nang inaprubahan ni Senate President Juan Ponce Enrile ang tatlong resolusyon na sumasaklaw sa proseso at representasyon ng Kongreso sa JBC.

“The Senate Resolution No. 1 regarding on the disenfranchisement of members of Congress to JBC, is to defer the consideration of all nominees and the preparation of the short list to be submitted to the President until the said issue is resolve by the Supreme Court,’ ayon kay Senator Joker Arroyo.

Sinugundahan naman ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang argumento ni Arroyo sa paghahain ng pangalawang resolusyon na gumigiit sa posisyon ng Senado na kailangan magkaroon ng hiwalay na kinatawan ang dalawang kapulungan ng Kongreso sa JBC.

“Senate Resolution No. 2 is to reiterate the position of the Senate that are articulated in previous resolution of the 14th Congress Senate Resolution No. 41 on the representation of the both House of Congress in JBC must be one from the House with one vote, and one from the Senate with one vote,” ayon kay Pangilinan.

Sa pangatlo, sinabi ni Pangilinan na kailangan payagan ng Supreme Court na magkaroon ng oral argument sa naturang isyu upang maayos ang sistema sa pamimili ng bagong chief justice.

“Given the gravity of the issues regarding the composition of the JBC, the position of the Senate taken, that the Philippine Senate should have an oral argument on the issue of the composition in the representation of both House of Congress address to the Supreme Court,” ayon kay Pangilinan.

Inatasan naman ni Enrile ang Senate secretary na magpadala ng kopya ng naturang resolusyon sa JBC at Supreme Court.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply