Nominasyon ni De Lima sa CJ post, tinutulan ng abogado ni CJ Corona

NAGHAIN ngayon ng pormal na pagtutol ang isa sa mga abogado ni dating Chief Justice Renato Corona laban kay Justice Secretary Leila DE lima para sa chief justice bid.

Sa kanyang inihaing pitong pahinang formal opposition o pagtutol, sinabi ni Atty.Rico Quicho na bagsak sa legal at moral standard ang kalihim dahil isa ito sa naging daan upang mapatalsik sa puwesto si Corona.

Nilinaw naman ng abogado na ang paghahain niya ng formal opposition laban kay de Lima ay bilang isang pribadong mamamayan at walang kinalaman ang pagiging dati niyang defense team member ng dating Punong Mahistrado.

Ipina-iinhibit naman ni Quicho si Iloilo Rep.Niel Tupas Jr., dahil naging bahagi rin ito ng JBC selection process at siya ang tumatayong lead prosecutor  sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Renato Corona.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply