Nominasyon sa pagka-CJ, tinanggap ni De Lima

TINANGGAP na ni Justice Secretary Leila de Lima ang kanyang nominasyon sa pagka punong mahistrado ,isang araw bago ang itinakdang deadline ng Judicial Bar Council (JBC).

Sinabi ni de Lima na kanyang pormal na inaanunsyo ang kanyang pagtanggap sa nominasyon  ngayong araw o di kaya ay bukas, araw ng Lunes.
Si de lima ay iminungkahi ng Volunteers Againts Crime and Corrucption (VACC).

Matatandaan na nagsilbing testigo rin ang kalihim sa naganap na paglilitis sa dating Punong Mahistrado ng Korte Suprema na si  CJ Rentao Corona.

Una nang itinakda ang deadline ng pagsumite ng aplikasyon at nominasyon para sa CJ post noong June 18 subalit pinalawig ito ng JBC dahil na rin sa dami ng gustong mag-apply sa naasabing posisyon kaya tumagal ito hanggang bukas, July 2, ang itinakdang deadline.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply