Nominasyon sa CJ post, tinanggihan ni Henares

TINANGGIHAN ni Bureau of Internal Revenue (BIR) chief Kim Jacinto-Henares ang kanyang nominasyon bilang susunod na chief justice ng Korte Suprema.

“Although I am honoured by the faith and confidence reposed upon me by the people who nominated me to the Chief Justice position, I regret I could not accept the nomination,” ayon kay Henares.

Sinabi pa niya na sa ngayon ay mas kailangan siya ng ahensiya lalo pa’t hindi pa natatapos ang repormang kanyang ikinasa kagaya rin ng judicial reform na kailangang gawin sa Korte Suprema.

“We are completing the evaluation of our various core processes, such as those of registration, filing and payment, auditing and collection, and have started and needs to complete the re-engineering of these processes,” ang pahayag ng opisyal.

Noong nakalipas na buwan, inirekumenda ni Atty. Elpidio Jamora si Henares bilang nominado sa chief justice position.

Nagsilbing testigo si Henares  sa impeachment trial na nagpatalsik sa posisyon kay dating Chief Justice Renato Corona.

Bukod kay Henares, tumanggi rin sa kanilang rekomendasyon sina  Associate Justice Estela Perlas Bernabe, Associate Justice Mariano Del Castillo, dating  Defense chief Gilberto “Gibo” Teodoro, dating Senator Rene Saguisag at Senador Miriam Defensor-Santiago.

Ngayong araw ang deadline ng pag-rekomenda o pag-apply para sa chief justice position.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply