Nonnatus Caesar Rojas, bagong NBI director

OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III si NBI Director Nonnatus Caesar Rojas bilang kapalit ni Magtanggol Gatdula.

Sa katunayan ay lumiham na si Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. kay Justice Secretary Leila de Lima na may petsang Hulyo 20, 2012 para sa usaping ito.

Kung matatandaan, nagulat si Rojas nang malaman niyang siya ang napii ni Sec. de Lima na tumayong OIC sa NBI Director .

Gayunman, tiniyak nito na gagawin niya ang lahat ng makakaya para magawa ng maayos ang responsibilidad na ipinagkatiwala sa kanya.

“Because of the trust, we will have to do our best and make sure that the trust is not broken and that will be able to meet the standard that the secretary put across and it’s house keeping lang naman,” ang pahayag ni Roxas.

Itinalaga si Rojas na pansamantalang pinuno ng NBI habang naghahanap ang Malakanyang ng ipapalit sa sinibak na NBI chief.

Kabilang sa mga pangalan na lumutang na pinagpilian ay sina dating PNP chief Raul Bacalzo, Customs deputy commissioner Danny Lim at CIDG chief Samuel Pagdilao.

Ngunit lumabo ang tiyansa ni Lim na makapuwesto sa NBI dahil hindi ito abogado, isa sa itinatakda bilang pinuno ng naturang ahensiya.

Si Gatdula ay inalis sa puwesto ni Pangulong Aquino matapos masangkot sa reklamong kidnapping at extortion sa isang Japanese national.

Mariin namang itinanggi ni Gatdula ang alegasyon laban sa kanya.

Si Rojas ay tubong San Vicente, Ilocos Sur at nagtapos ng abogasiya sa San Beda College.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply