Nora, may TF pa rin sa TV5, kaya paano siya mangungutang?

IPINALIWANAG sa press ni Mr. Perci Intalan, head ng entertainment group ng TV5, na bini-verify pa rin nila ang report na nangungutang si Nora Aunor ngayon dahil wala ngang programa pa sa TV5.

Ayon kay Perci, hindi siya naniniwala sa ganitong issue dahil sa may kasalukuyan pa ring tinatanggap na regular TF sa kanila ang nag-iisang Superstar ng local showbiz. Hindi basta contract ito, guaranteed contract.

Nasa America ngayon si Nora Aunor para ipaopera ang lalamunan para muling makaawit at ibalik ang dating golden voice ng Superstar.

Never na pababayaan ng TV5 si Ate Guy. Pagbalik raw nito ng Pilipinas ay may nakalaan na sa kanyang soap opera. Hindi lang basta soap ito dahil isa ito sa pinakamagastos na soap ng network, bukod pa sa pinakamahirap na kanilang gagawin.

Ayaw magsalita si Perci sa details ng soap opera.

Bukod pa rito, plano na ng TV5 na gawin muna ni Ate Guy ang mga pelikulang natanguan niya sa first at second quarter of the month. Tapos, pupunta siya ng US para ipagamot ang lalamunan. Pagbalik niya sa Pilipinas, sisimulan niya agad ito.

000

Gina Alajar at Roderick Paulate: Magkakasamaan ng loob dahil sa Protégé

SUPER close pa rin hanggang ngayon sina Gina Alajar at Roderick Paulate. Pero ngayong pareho silang mentor ng mga future big stars ng GMA 7 na kukuha sa reality talent search na Protégé, mukhang magkakaroon na ng lamat ang kanilang pagsasamahan.

Mismong kay Gina nagmula na nag-aalala siya sa friendship nila ni Roderick.

Ani Gina: “Si Roderick kasabayan kong mag-artista yan e — 5 years old siya, 8 years old naman ako tapos halos rito lang sa industriyang ito gumagalaw ang buhay namin,”

“Mahirap kasi hindi ko alam kung magkakaroon ng lamat ang mga friendship na ito e. May kanya-kanyang style, may kanya-kanyang ideas yan e, at itong lahat ng mga mentors na ito walang kinatatakutan, they say what they say – kesyo masaktan ka – yun lang yung ikinakatakot ko run. Like ako, baka meron akong masabi na biglang ma-offend ang kahit isa sa kanila. Si Philip pa naman pikon yan (laughs). Pikon yan talaga. Pero maaaring kimkimin niya yung galit niya sa akin, pero I think hindi maiiwasan yun e.

“Kaya nakakakaba, mas nakakakaba yung labanan ng mga mentors kaysa sa labanan ng mga proteges kasi run sa mga mentors yun yung magkakaroon ng feedback sa isa’t isa, baka magkaroon lang kami ng mga conflict – hopefully not – pero hindi maiiwasan, sa palagay ko hindi maiiwasan.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply