North Luzon tinutumbok ng bagyong Gener

TINUTUMBOK ng bagyong Gener ang Hilagang Luzon matapos mamataan sa Casiguran, Aurora sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration. (PAGASA).

Ayon sa Pagasa, 4:00 ng madaling-araw kanina nang mamataan ang bagyong Gener sa layong 310 kilometro sa silangan ng Casiguran, Aurora.

Ang bagyong Gener ay may lakas ng hangin na 85 kilometro bawat oras at may bugso ng 100 kilometro bawat oras.

Kumikilos ang bagyong Gener sa direksyon ng Hilaga-Hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Sinabi pa ng Pagasa na ang Cagayan kabilang ang Calayan at Babuyan Group of Island ay makararanas ng masungit na papawirin.

Habang ang Isabela, Kalinga Apayao at Batanes Group of Island ay makararanas ng pag-ulan na may lakas ng hangin.

Nilinaw naman  ni Angeles na hindi nito layuning pangunahan ang magiging desisyon ni IBP representative to the JBC Atty. Milagros Fernan-Cayosa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply