Noynoying sa ‘Panatag’ at jueteng at krimen sa Kyusi

MULA sa dating porsiyento, ngayon ay ginawa nang sahod na hindi bababa sa “minimum wage” ang magiging income ng mga bus driver dito sa Metro Manila.

Paraan umano ito para hindi na masyadong makipaghabulan at makipag-gitgitan ang mga bus driver dahil hindi na sila maghahabol ng porsiyento.

Ang epekto ay mababawasan na rin ang mga aksidente sa kalsada.

Ang siste, parekoy, masyado itong kapiranggot kumpara sa dating kinikita ng mga driver na nasa P1,500 “every other day” noong porsiyento ang partida sa kanila.

Dahil dito, inoobliga ng pamahalaan ang mga bus company na maliban sa sahod ay bigyan rin ang mga driver ng tinatawag na insentibo.

Eh, di ganun din? Maghahabulan na naman uli sila!

Hindi raw, ayon sa gobyerno, dahil ang insentibo ay para sa sinomang walang disgrasya o pinakamaingat na tsuper! Sus Ginoo, eh di usad-pagong naman ang gagawin ng mga driver, tutal sigurado na ang kanilang mga sahod.

Wala na silang pakialam kung 10 oras abutin ang Monumento-Baclaran, bahala na rin kung malugi na ang kompanya basta may insentibo!

Mag-isip-isip naman kayo!

oOo

ITINANGGI, parekoy, ni Pampanga PNP Provincial Director S/Supt. Ed Tinio na collector niya itong si Sgt. Lennon.

Pero hindi maitanggi ni Col. Tinio na laganap nga ang sugal sa buong lalawigan ni Gov. Lilia Pineda na asawa ni “known gambling god” Bong Pineda.

Langya namang senaryo na ‘yan, Col. Tinio, ibig sabihin, alam mong laganap ang sugal sa iyong AOR pero wala kang ginagawa para matigil ito?

Aminado ka ba na inutil ka?

Hindi ka ba naniniwala na kaya hindi ito pinatitigil ng iyong mga Chief of Police dahil may “lagay” ang mga ito sa iyong mga COP?

Mula P01 hanggang sa mga COP ay may patong, tapos sa iyo lang wala?

Tangna naman, Col. Tinio, kahit sinong gago ay hindi maniniwala sa iyo. . .

Lalo namang hindi maniniwala sa iyo si PNP Chief!

Ipahuli mo na kasi ‘yang si Sgt. Lennon para kapanipaniwala ka naman!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply