NPC media badminton championships lalarga na

HANDANG idepensa ng Department of Education Media Group at  Bureau of Customs ang kani-kanilang titulo sa pagpalo ng 4th National Press Club (NPC) President’s Cup Media Invitational Badminton Championships sa  Hulyo 21-22 sa Rizal Badminton Center sa Vito Cruz, Manila.

Tinanghal na kampeon ang Education scribes sa Media Class, habang nangibabaw ang Customs sa Open division sa nakalipas na torneo na inorganisa ng NPC Sports Committee bilang bahagi ng programa sa gaganaping selebrasyon sa ika-59 taon ng pagkakatatag ng NPC sa October 29.

Inaanyayahan ni NPC President Benny Antiporda ang lahat ng miyembro, gayundin ang mga media entities, kaibigan sa pribado at pamahalaan gayundin ang iba pang stakeholders na lumahok sa dalawang araw na torneo na ginagawa upang mapalakas at mapatatag ang samahan ng mamamahayag.

Bukas pa ang pagpapatala at libre ang paglahok para sa lahat.

Sa mga nagnanais na makibahagi sa torneo, makipag-ugnayan sa  NPC Secretariat sa (02) 301-05-21/22 at hanapin sina May at Fely. Maaari ring tumawak kina NPC Director at Sports Committee Chairman Ms. Tina Maralit (09-6658888) at  tournament director Edwin Rollon (0906-4360957).

Ipadala ang listahan ng mga lahok sa  zea19ker@yahoo.com at nationalpressclub@yahoo.com.

Ayon kay Maralit ang torneo ay suwelo ng koponan – binubuo ng  anim na players (tatlong lalaki at tatlong babae) at may dalawang alternate na sasabak sa  men’s, women’s at  mixed doubles event.  Ang mga dating national at collegiate players na huling nakapaglaro noong 2004 at ngayo’y bahagi ng media community ay papayagan na makapaglaro sa Open division, habang ang mga huling nakalaro noong 2005 hanggang sa kasalukuyan ay  hindi papayagang makibahagi.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply